low quality
National

Low quality na mga paaralan at ospital, papatawan ng mas mataas na buwis

Inaasahan na papatawan ng mas mataas na buwis ang mga underperforming at low quality na mga paaralan at ospital sa bansa.

Ito ang pahayag ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua matapos aprubahan ang Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities (TRABAHO).

Sinabi ni Cua na mula sa kasalukuyang 10-percent ay gagawing labinlima hanggang dalawampung poryesto ang ipapataw na buwis sa mga  underperforming at low quality schools at hospitals.

Paraan umano ito para disiplinahin ang mga eskwelahan na hindi sumusunod sa criteria na itinakda ng Commission on Higher Education, Department of Education, at Department of Health.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *