home victory
Sports

Los Angeles Lakers, nakuha ang kanilang 3rd home victory sa NBA

NASUNGKIT ng Los Angeles Lakers ang kanilang ikatlong sunod na home victory sa NBA sa loob lamang ng apat na araw.

Nagdagdag ng isa na namang panalo ang Lakers matapos nilang payukuin ang koponan ng Phoenix Suns ngayong linggo (local time).

Nagtapos naman ang tapatan ng dalawang koponan sa score na 120-96 pabor sa Lakers.

Matapos namang magpasiklab ng star player na si ‘The King’ Lebron James sa tatlong quarters ay naupo nalang ito.

At pinanuod ang kanilang naging pagpakapanalo na may ambag na 22 points.

Habang may 23 points naman si Kyle Kuzma na kasama nito sa bench sa huling quarter.

Sunod naman na makakaharap ng Lakers ang San Antonio Spurs Miyerkules ng gabi, December 5.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *