sa mga food establishment
Business

Lokal na pamahalaan, pananagutin sa mga food establishment na walang permiso

PANANAGUTIN ang mga lokal na pamahalaan na nagpahintulot sa mga food establishment na mag-operate sa bansa ng walang kaukulang permits.

Ito ang babala ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez matapos madiskubre na ang China Food City sa Las Piñas City na may 30-food stalls ay walang kaukulang business permits at tax receipts para makapag-operate.

Sinabi ni Lopez na dapat ay binabantayan at ini-inspeksyon ng local government units ang mga food establishment kaya sila nagbibigay ng Sanitation at business permits.

Dagdag ng kalihim, dapat ay masigurong maayos ang sistema bago makapag-operate ang mga establisyimento.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *