National

Listahan ng flood-prone areas sa MM inilabas


Naglabas ng listahan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lugar sa Metro Manila (MM) na madalas bahain.
Siyam na lugar mula sa Maynila, Makati, Quezon City, Mandaluyong at Parañaque ang kabilang sa listahan.
Tatlo sa mga ito ay sa Maynila.
Numero uno sa listahan ang Sampaloc sa Maynila at mga karatig-lugar.
Kasama rin sa listahan ang Rizal Avenue Corner R. Papa at Quiapo.
Kabilang din sa listahan ang Maysilo Circle, Kalentong Street at Shaw Boulevard sa Mandaluyong.
Flood-prone areas din ang South Superhighway sa Makati, Barangay Doña Imelda, Damayan Lagi, Tatalon at Talayan sa Quezon City at Ninoy Aquino Avenue sa Paranaque.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *