Regional

Lider ng NPA sa Cagayan arestado


Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Camasi, Peñablanca, Cagayan.
Kinilala ang naaresto na si David Soriano alyas “Jerome Antonio Y Sabban,” secretary ng Komiteng Rehiyon Hilagang Silangang Luzon at driver nito na si Jude Malana Cipriano.
Si Soriano ay No.1 sa target list ng mga awtoridad sa Region 2 dahil sa 50 kinahaharap na kaso ng panununog, pagpatay at iba pa.
Ito rin ang nasa likod ng pananambang sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Bayan ng Baggao noong Pebrero 2016 na ikinasawi ng anim na pulis at ikinasugat ng sampu.
Inalerto na ng militar ang kanilang hanay sa posibleng pag-atake ng NPA matapos mahuli ang sinasabing mataas na lider ng rebeldeng grupo sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *