National

Libu-libong turista inaasahang bubuhos ngayong Semana Santa sa Baguio City


Inaasahan na ang pagbuhos ng mataas na bilang ng mga turista na bibisita sa Baguio City ngayong Semana Santa at summer vacation.
Ayon kay Councilor Elmer Datuin, Committee of Tourism ng Baguio City, malaki ang tulong ng turismo sa lunsod subalit hindi aniya maiwasan ang hindi magandang dulot nito.
Kaya naman humihingi ng kooperasyon ang lokal na pamahalaan ng Summer Capital of the Philippines sa mga turista na panatilihing malinis ang lunsod.
Nakahanda na rin ang ilang aktibidad para sa Holy Week upang maramdaman ang pagkasagrado ng paggunita ng Semana Santa sa Baguio City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *