kilos protesta
International

Libu-libong estudyante, mga guro, nagsagawa ng kilos protesta sa Brazil

LIBO-libong estudyante, mga guro at researchers ang lumahok sa kilos protesta laban kay Brazillian President Jair Bolsonaro matapos nitong ipitin umano ang budget na nakalaan sa edukasyon at pananaliksik.

Ayon sa mga iskolar, ang paglimita ng pondo para sa mga pederal na unibersidad ay nangangahulugang pagpapatigil din sa scientific production ng bansa.

Itinanggi naman ito ng pangulo sa isang Gala dinner sa Dallas, Texas at iginiit na ang budget cut ay dahil sa mahinang ekonomiya at pagtaas ng unemployment rate sa bansa.

Ang naturang protesta ang kauna-unahang pag-aaklas sa panunungkulan ng pangulo.

Sa Venezuela, ilang representante ng gobyerno at oposisyon, nagsagawa ng pagpupulong sa Norway para sa mapayapang pagresolba ng sigalot sa bansa.

Hindi naman naglabas ng direktang pahayag si President Nicolas Maduro tungkol sa napagkasunduan ng magkabilang panig.

Samantala, pansamantalang itinigil ng Estados Unidos ang commercial flights papunta sa Venezuela.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *