National

Libong pulis kakalbuhin kapag pumalpak sa ASEAN Summit


Kakalbuhin ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang libu-libong pulis kapag may nangyaring masama sa ASEAN Summit na idaraos ngayong linggo.
Ito ang banta ni Dela Rosa sa mga pulis samantalang isinasagawa ang send-off ceremony para sa peace and order task force para sa ASEAN Summit.
Sinabi ni Dela Rosa na dapat ay kalbo rin o zero incident sa buong panahon ng ASEAN Summit.
Dagdag pa ng hepe, hindi dapat mabalewala ang lahat ng kanilang preparasyon at mahabang pagpaplano para sa seguridad ng nasabing pagtitipon.
Aabot umano sa apatnapung libong security personnel kabilang ang 18,000 pulis ang ipakakalat para sa ASEAN Summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *