National

Leptospirosis outbreak sa 7 syudad sa Metro Manila, idineklara ng DOH

Opisyal nang idineklara ng Department of Health (DOH) ang leptospirosis outbreak sa ilang bahagi ng Metro Manila.       

Ito’y makaraang ang bilang ng kaso ng leptospirosis mula 148 ay lumobo sa 299 o nasa isang daan at dalawang porsyento (102%) ang itinaas.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang naturang pagtaas ay nakaaalarma kung kaya’t importanteng magkaroon ng kaalaman ang publiko kaugnay sa naturang outbreak.

Mga lugar sa Metro Manila na may leptospirosis outbreak

  1. Quezon City
  2. Taguig City
  3. Pasig City
  4. Parañaque City
  5. Navotas City
  6. Mandaluyong City
  7. Malabon City

Naglatag ang DOH ng mga nararapat gawin ng lokal na pamahalaan kaugnay ng pag-iwas sa naturang sakit.

Ito ay gaya ng pag-pagpapabuti ng  flood control programs, pagtapon sa maruming tubig at pagpatupad ng maayos na pagkolekta ng basura.

Payo ng DOH na maging alerto ang mamamayan.

Kapag nagkaroon ng lagnat at lumusong sa baha kung saan mas maiging magpatingin agad sa pinakamalapit na pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *