Lebron James
Sports

Lebron James, ikinukonsiderang ‘The GOAT’

Sa kabila ng magkaibang koponan at rival conference, naniniwala ang Houston Rockets General Manager na si Daryl Morefy na si Lebron James na nga ang ‘The Greatest of All Time’ player.

Aniya, kung titignan at babalikan ang NBA history, makukonsiderang si James ang pwedeng pumalit sa galing ni Michael Jordan.

Dagdag pa ni Morfey na iba ang gilas at galaw ni James na siguradong makakapagdala ng panalo at kampeonato sa kanyang team.

Paglilinaw pa ni Morfey na wala ito sa dami ng panalo kundi sa galing na ipinapakita sa court.

Ang 4-time MVP na si Lebron James ay may tatlong NBA titles at 8 magkakasunod na finals appearances.

Maglalaro si James sa LA Lakers matapos nitong lumagda ng 4-year contract deal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *