Makakabawi
Sports

Lebron James, positibo na makakabawi sa Game 3 ng NBA Finals

Makakabawi ang Cleveland Cavaliers kontra Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals.

Ito ang positibong tugon ni NBA superstar Lebron James kaugnay sa muling pagtutuos ng Warriors at Cavs.

Lamang ngayon sa 2-0 sa serye ang Warriors kontra Cavs.

Ayon kay James, hindi na bago sa kanila ang pagsubok na kanilang kinakaharap ngayon dahilan upang naniniwala ito na magagawa nilang baguhin ang kasalukuyang sitwasyon sa finals.

Ang Game 3 ng laban ay gaganapin bukas sa homecourt ng Cavs.

Ayon naman kay Kevin Durant, ang Warriors ay hindi nagrerelax sa kabila ng kanilang paglamang sa serye.

Anya hindi pa tapos ang kanilang misyon dahilan upang hindi sila dapat maging kumpyansa.

Umaasa naman si Warriors Coach Steve Kerr na makakalaro muli si Andre Iguodala sa Game 3 ng kanilang laban kontra Cavs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *