ANGAT DAM
Regional

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, nabawasan pa

NABAWASAN pa ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon.

Ayon sa Pagasa Hydrology Division, alas sais kaninang umaga ay bumaba na sa 191.07 ang water level sa Angat Dam.

Mas mababa ito ng 0.42 kumpara sa 191.49 meters kahapon.

Ang La Mesa Dam naman ay bumaba ang water level sa 68.50 meters mula sa 68.52 kahapon.

Ilan pa sa mga dam na nabawasan ang antas ng tubig ay ang Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *