National

Law enforcement agencies, inatasang makipagtulungan sa Comelec

SMNI News

IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP, PNP at iba pang law enforcement agencies na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa Comelec.

Para sa gagawing plebisito para sa Bangsamoro Organic Law sa Enero 21.

Batay ito sa inilabas na Memorandum Order 34 ng Malacañang na nilagdaan ng pangulo.

Pinatitiyak ng pangulo sa mga ito na maging maayos, tapat, mapayapa, malaya at credible ang gagawing plebesito.

Inatasan rin ng pangulo ang mga ito na makipagtulungan sa Comelec para sa halalan sa Mayo 2019.

Batay naman ito sa Memorandum Order 35.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *