National

Lascañas nasa Singapore pa rin


Hindi pa nakababalik sa bansa si retired Police Officer Arturo Lascañas kahit na noong Abril 22 ito nakatakdang umuwi mula sa Singapore base sa kanyang return ticket.
Ayon sa Bureau of Immigration (BOI), wala pa silang record ng pagdating sa Pilipinas ni Lascañas na umalis sa bansa noong Abril 8.
Matatandaang idinawit ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y patayan sa Davao na kagagawan ng Davao Death Squad (DDS).
Sinabi rin ni Lascañas na handa siyang tumestigo laban kay Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *