Laguna Lake Highway
Regional

Laguna Lake highway sa Taguig City, bukas na sa publiko

BUKAS na sa mga motorista ang Laguna Lake Highway sa Taguig City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, binuksan ang 1.28 bilyong pisong 4-lane highway.

Para magkaroon ng alternatibong ruta ang mga motorista bago sumapit ang Christmas rush.

Sinabi ni Villar na dahil sa toll-free road ay mababawasan ng 30 minuto pababa.

Mula 1 oras ang travel time mula Bicutan hanggang Taytay at pabalik.

Aniya, ito ang kauna-unahang national expressway na may bicycle lanes.

At masisiguro nito ang kaligtasan ng mga motorista, biker, pedestrians.

Maging ang proteksyon ng mga residente mula sa backflow ng tubig ng lawa.

Ang 6.94 kilometer na Laguna Lake Highway o dating C-6 ang kokonekta sa Silangang bahagi ng Metro Manila at sa mga bayan ng Rizal.

At magiging daan para maiwasan ng mga motorista ang traffic sa EDSA at C-5.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *