Lacson
National

Lacson duda na may sabwatan si Customs Comm. Lapeña at drug syndicate

DUDA si Senador Panfilo Lacson na nakipagsabwatan si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa anumang drug syndicate.

Na umano’y nagpuslit ng P6.8 billion na halaga ng shabu.

Sinabi ni Lacson na mas paniniwalaan pa niya na pinagtatakpan ni Lapeña ang mga walang kakayahan sa Bureau of Customs (BOC).

Paniniwalaan naman aniya nito ang PDEA kung ang magnetic lifters ay inimport sa bansa ng walang shabu.

Gayunman, ipinagtataka ni Lacson kung bakit iniwan ang magnetic lifters sa Cavite ng mga importer.

Dahil dito, hinimok ni Lacson ang Ombudsman at Malacañang na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing kontrobersya.

Sa kabila ng isyu ay tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kina Lapeña at PDEA Director General Aaron Aquino.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *