Lakers
Sports

LA Lakers, pinataob ang Golden State Warriors sa pre-season ng NBA

NASUNGKIT ng Los Angeles Lakers ang panalo.

Matapos pataubin sa kanilang unang pagtatagpo sa NBA Preseason ng defending champion Golden State Warriors sa iskor na 123-113.

Bumida sa panalo ng Lakers si Brandon Ingram na kumamada ng 26 points.

Kasama ang limang rebounds, isang assist at isang steal sa loob ng 26 minutes.

Nag-ambag din si Kyle Kuzma ng 22 points, tatlong boards, dalawang blocks, isang assist at isang steal.

Nagtapos din sa 15 points, 10 rebounds, limang assists at isang steal si dating Cleveland Cavaliers star Lebron James.

Nabalewala naman ang 23 points at limang assists ni Stephen Curry para sa Warriors.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *