UMATRAS
Sports

L.A. Lakers, umatras sa Anthony Davis trade talks

UMATRAS ang Los Angeles Lakers mula sa negosasyon nito sa New Orleans Pelicans para sana sa layuning mapasakamay ng una si Anthony Davis.

Ito’y matapos hindi magkasundo ang dalawang koponan sa negosasyon.

Ayon sa reklamo ng Lakers na masyadong matindi ang trade request ng Pelicans at hindi na ito makatotohanan.

Handa ang Lakers na ipadala bilang kapalit sina Lonzo Ball, Kyle Kuzma, Brandon Ingram, Josh Hart at Ivica Zubac sa Pelicans.

Maging ang guard na si Kentavious Caldwell-Pope ngunit nais ng Pelicans na dagdagan pa ang mga ito.

Ang 25-year old forward na si Davis ang most prized player para sa nalalapit na NBA trade.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *