National

Kumpanyang Sanofi, nilinaw na walang namatay dahil sa ‘Dengvaxia’

NILINAW ng French-based pharmaceutical company na Sanofi Pasteur ang ulat ng
Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na may tatlong bata sa Central
Luzon ang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Sanofi Pasteur Medical Director Dr. Ruby Dizon, base sa assessment ng
kanilang mga eksperto ay walang nasawi sa mga nabigyan ng bakuna.
Dumipensa rin ang Sanofi sa kanilang naunang pahayag na magdudulot ng “Severe
Diseases”
ang Dengvaxia sa batang naturukan nito pero hindi pa nagkaka-dengue.

Hindi aniya ibig sabihin nito ay maaring mamatay ang mga naturukan ng bakuna.
Kabilang sa mga posibleng maranasan ng mga nabakunahan ng Dengvaxia ay ang
mas matagal na lagnat, mababang platelet count, pagkakaroon ng pasa at
pagdurugo ng ilong.
Ito aniya ang mga sintomas na nasa ilalim ng “severe dengue.”
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *