Metro Manila
Metro

Krimen sa Metro Manila noong 2018, bumaba – NCRPO

IPINAGMALAKI ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pagbaba ng krimen sa Metro Manila noong 2018 kumpara noong 2017.

Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na bunga ito ng giyera kontra iligal na droga.

Base sa tala ng NCRPO, bumaba ng 21% ang krimen sa Metro Manila.

Mula sa 18,524 noong 2017 ay naging 14,633 crime rate nitong 2018.

Ayon kay Eleazar, bumaba ng 52% ang mga kaso ng murder.

Habang 27% ang ibinaba sa mga kasong crimes against persons at nasa 17% naman para sa crimes againts property.

Naniniwala si Eleazar na ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ay bunsod sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra droga.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *