Shine Elasto Painters
Sports

Koponan ng Rain or Shine Elasto Painters, lumipad pa Bahrain

SISIMULAN at sasalubungin nga ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang taon sa isang basketball action.

Ito ay pagkaraang lumipad ang koponan nitong Miyerkules, pa-Bahrain.

Para sa isang exhibition game kontra sa Al-Manama at Al-Muharraq ng Bahraini Premier League.

Papangunahan naman ng mga veteran players ang delegasyon ng Rain or Shine.

Kabilang dito sina James Yap, Raymond Almazan, Beau Belga kasama si Coach Caloy Garcia.

Nakatakda ding magpakitang gilas ang mga manlalarong sina Javee Mocon at J-Jay Alejandro sa five-day trip ng kanilang team.

Ang magiging paglalaro ng Rain or Shine sa Bahrain ay parte pa din ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na 2019 PBA Philippine Cup.

Aasahan naman ang pagbabalik ng koponan sa January 6.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *