tututok
National

Konsehong tututok sa Boracay, ipinanukala

Pinangunahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagpasa ng Senate Bill 1765.

Ito ay kilala rin bilang “An Act Creating the Boracay Island Council (BIC).”

Bubuuin ito ng mga kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno, LGU’s at mga pribadong sektor.

Pangunahing tututukan ng mga ito ang pangangalaga sa kaayusan, kalinisan, proteksyon at seguridad ng isla kasama na ang biodiversity sa lugar.

Ayon kay Drilon, kailangang makabuo ang gobyerno ng isang malinaw na master plan sa pagpapatakbo ng Boracay.

Ito ay dahil sa malaking ambag nito sa ekonomiya ng bansa pagdating sa usapin ng turismo.

Dagdag pa ni Drilon, ”Boracay contributes so much in the development of our country particularly in the field of tourism and yet, there is not one single body in-charge of Boracay.
What we would suggest is a strong administrator which can manage a place like this.”

Ang naturang panukala ay sinang-ayunan ni Senadora Cynthia Villar, ang Senate Committee on Environment and Natural Resources Chairman.

Inihalimbawa ni Drilon ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)  na may magandang naidulot sa Subic.

Sa pamamagitan ng panukala, mababawasan ang trabaho ng mga LGU.

Maiiwasan rin ang kalituhan kung sino ang responsable sa mga isyu na may kinalaman sa isla.

Sakaling umusad ang panukala, pamumunuan ang BIC ng mga propesyunal at eksperto para hindi ito mahaluan ng politika.

 Pol Montibon

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *