National

Kompromiso kailangan para maipasa ang tax reform package

Kinakailangan na maging bukas ang mga senador at Department of Finance sa kompromiso kaugnay sa panukalang Tax Reform Package.
Sinabi ito ni Senate President Koko Pimentel kasunod ng apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State Of The Nation Address na ipasa ng buo ang Tax Reform Package.
Sa ilalim ng naturang panukala, nais ng Duterte Adminisration na ibaba ang income tax at limitahan ang VAT exemptions habang nais naman nila na magpatawa ng excise tax sa langis at mga sasakyan at maging sa mga matatamis na inumin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *