Kim
International

Kim Jong-un, nagmakaawa para matuloy ang US-North Korea Summit

Ipinagmayabang ng dating alkalde ng New York City at kasalukuyang abogado ni US President Donald Trump na si Rudy Giuliani na dahil sa malakas na paninindigan ng pangulo kaya’t nagawang magmakaawa si North Korean Leader Kim Jong-Un na i-reschedule at ituloy ang US-North Korea Summit.

Matatandaang mismong si President Trump ang nag-anunsyo kamakailan na hindi na nito itutuloy ang nakatakdang pagpupulong nila ni Kim matapos insultuhin ng North Korea ang ilang matataas na opisyal ng US.

Ayon kay Giuliani, matapos na kanselahin ni Trump ang summit ay agad hiniling ni Kim na maituloy ito.

 “Kim Jong-un got back on his hands and knees and begged for it, which is exactly the position you want to put him in.” – Atty. Rudy Giuliani, abogado ni US Pres. Donald Trump

Ipinagkibit-balikat ni Giuliani ang posibilidad na baka maunsyami ulit ang summit kasunod ng kanyang komento.

Aniya, dapat maintindihan ng North Korean leader na ang Estados Unidos ay may malakas na posisyon o paninindigan.

Ang US-North Korea Summit ay nakatakdang mangyari sa June 12 sa Singapore.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *