Kiefer Ravena
Sports

Kiefer Ravena, ban ng 18 months sa FIBA

Temporary ban ng labing-walong (18) buwan mula February 25, 2018 hanggang August 24, 2019 sa International Basketball Federation (FIBA)  si aspiring PBA Rookie of the Year na si Kiefer Ravena dahil sa paggamit ng performance-enhancing drug (PED).

Hindi na rin makakasama si Ravena sa Gilas National Team para sa 2019 FIBA World Cup.

Kiefer, nagpositibo

Si Ravena ay nagpositibo sa paggamit ng tatlong (3) substance na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA) noong buwan ng Pebrero bago ang laro ng Gilas Pilipinas National Team kontra Japan sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Ravena, uminom siya ng isang power booster vitamin na “DUST”.

Isang pre-workout supplement na nabibili over the counter. Ito ay tinutunaw sa tubig bago inumin.

“Napakahirap isipin na umabot ho sa ganito yung nangyari ng dahil lang sa kakulangan sa pag-iingat. Gusto ko po maging isang halimbawa sa kabataan bilang isang atleta, bilang isang Pilipino. Mahal ko yung Gilas National Team ko at Mahal ko ang NLEX at PBA”. – Kiefer Ravena.

Iginiit naman ng SBP na ito ay legal sa ating bansa at hindi ito kagaya ng mga iligal na droga.

Matatandaang biglaang pinabalik ng Maynila si Kiefer mula sa Iloilo na kung saan lalaro sana ito sa final leg ng 2018 PBA All-Star Games.

Umaasa naman si Ravena na pahihintulutan siya ng FIBA na patuloy pa ring makapaglaro sa PBA.

Kiefer is a good person
Ayon naman kay NLEX president Rod Franco, patuloy pa rin nilang susuportahan si Ravena dahil ito ay isang mabuting tao. Kung ano man ang magiging desisyon ng FIBA kay Kiefer, ito ay kanilang gagabayan.
“We will continue to support Kiefer as a a player and Kiefer as a person”. – Rod Franco, NLEX President

Sa ngayon ay hinihintay pa ang desisyon ng FIBA kung patuloy pa ring paglalaruin si Ravena sa PBA.

“The rules of FIBA is applies to SBP and its members, like the NCAA, UAAP, the PBA, we are members”. – Games and Amusement Board (GAB)

Nakahanda naman si Ravena na harapin ang anumang sanction na ipapataw sa kanya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *