Kevin Love
Sports

Kevin Love, binigyan ng extension contract ng Cleveland Cavaliers

Lumagda na ng long-term commitment ang all-star player na si Kevin Love sa Cleveland Cavaliers nitong Martes, July 24.

Mananatili si Love sa Cavs sa susunod na apat na taon sa kaniyang $120 million contract deal.

Nangyari ang paglagda ng kontrata sa harap ng dosenang construction workers sa loob ng Quicken Loans Arena na kasalukuyang under construction.

Sa naging pahayag ng franchise, naniniwala sila sa kakayanan ni Love na magpapaigting sa koponan.

Ito ay sa kabila ng pag-alis ng isa sa kanilang asset player na si Lebron James.

Ayon kay Love, maaring nawalan sila ng pinaka-magaling na manlalaro ngunit kailangan nilang bumuo ng sariling identity.

 “You lose the best player in the world, you have to form a new identity,” – Kevin Love

Dagdag pa nito na malaki ang kanyang paniniwala sa mga manlalarong araw-araw nagpupurisge at gustong patunayan ang sarili.

“I think guys putting on their hard hats and coming to work every day.
That has to be the identity to our team.
And I think we have guys that are cut from that cloth and are going to be willing to go out there and prove themselves.” – Kevin Love

Matapos ang naging signing of contract, agad namang nag-selfie si Kevin Love kasama ang mga construction worker at pinost sa kanyang Instagram account.

Matatandaang dalawang beses na openly tinrade ng Cavs si Kevin Love noong nakaraang buwan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *