Kevin Durant
Sports

Kevin Durant, dumalo sa jersey retirement ceremony ni Nick Collison

BABALIK sa Oklahoma City si Warriors forward Kevin Durant hindi para maglaro para sa Thunder.

Kundi upang dumalo sa jersey retirement ceremony ni Nick Collison.

Sinabi ni Durant na napaka-espesyal sa kanya ng grupo na nakasama niya mula 2010 hanggang sa lisanin niya ito.

Nais ng NBA star na magkasama-sama ang grupo lalo na sa jersey retirement ni Nick.

Ikinatuwa naman ng koponan ang planong pagdalo sa seremonya ni Durant at handa silang i-accommodate ito.

Bibigyang-pugay ng Oklahoma City Thunder ang 15-taong career ni Nick sa pagreretiro ng kanyang No. 4 jersey sa Marso 20.

Ginugol ni Durant ang kanyang 9 seasons kasama si Collison, mula sa kanyang rookie year sa Seattle noong 2007-2008.

Hanggang sa kontrobersyal niyang iwan ang Thunder para samahan ang Golden State Warriors noong summer 2016.

Wala namang nakatakdang laro ang GSW sa Marso 20 kaya’t makakadalo si Durant sa retirement ceremony ng kanyang dating team mate.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *