Dubai
Technology

Kauna-unahang robotic waitress, dinarayo sa Dubai

Maituturing na isang perpektong empleyado. Ang robot waitress na si ‘Ruby’ na labis na nakakahatak ng mga kostumers sa Drink and Spice Magic Restaurant sa Dubai.

Ayon sa restaurant manager at dating software engineer na si Arif Mohammad. Bukod sa hindi napapagod ay hindi rin nagrereklamo ang masipag na robot kahit gaano kadami ang pinagsisilbihan.

Kaya rin umano ni Ruby na kumanta ng Happy Birthday o patugtugin. Ang iyong paboritong pop song habang nagsisilbi ng pagkain.

Si Ruby ang kauna-unahang robotic waitress sa buong United Arab Emirates na galing pa sa Japan at nagkakahalaga ng 150,000 UAE Dirham o katumbas ng mahigit dalawang milyong piso.

Hindi naman ito pinanghihinayangan ni Mohammad. Sapagkat nagkaroon siya ng mahigit labing-isang libong orders sa loob lamang ng dalawang linggo. Mula ng ilabas si Ruby ay bawing-bawi ang kanyang investment.

Gamit ang magnetic strips sa sahig ay kayang ihatid ni Ruby ang pagkain mula sa kusina papunta sa mesa ng kostumer.

Dahil sa kakaibang gimik na ito ng restaurant ay tuluyang sumikat ang robotic waitress kung kaya’t sila ay laging dinarayo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *