International

Kasunduan na tatapos sa Korean War, posibleng lagdaan sa Trump-Kim Summit

Kasunduan na tatapos sa Korean War, posibleng lagdaan sa Trump-Kim Summit.

Ito ang isa sa mga posibleng mangyari na nakikita ni US Pres. Donald Trump sa nakatakda nitong pikipagpulong kay North Korean leader Kim Jong-un.

Ang Trump-Kim Summit ay nakatakdang gawin sa darating na June 12 sa bansang Singapore.

Sa joint news conference nito kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe, sinabi ni President Trump, na maaaring makalagda sila ng kasunduan na magtatapos sa matagal ng sigalot sa Korean Peninsula.

“Well, it could be. We could sign an agreement as you know that would be the first step. It’s what happens yesterdays agreement, that really is the big point.

Yes, we could absolutely sign an agreement. We’re looking at it, we’re talking about it with them, we’re talking about it with a lot of other people. But that could happen, but that’s truly be the beginning.” – Pres. Donald Trump, USA

Sakaling maging maganda ang takbo ng US-North Korea Summit, kinukonsidera ni President Trump na imbitahan sa White House si Kim.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *