identical twin
International

Kasalan ng identical twin sa identical twin, ginanap sa Ohio

Isang identical twin na babae at lalake ang ikinasal sa isang mala-fairytale ceremony sa Twinsburg, Ohio.

Ang tema ng kanilang kasal ay ‘Twice upon a Time.’

Si Brittany at Briane Deane, 32, kasama ang kanilang kambal na asawang sina Josh at Jeremy Slayers, 34, ay nagpasyang manirahan sa magkaparehong bahay pagkatapos ng kasal.

Unang nagtagpo ang dalawang magkapareha sa isang twins day festival noong nakaraang taon.

Ayon kay Briana, dahil sa mga dating karanasan sa relasyon kung kaya’t mahalaga sa kanilang magkapatid ang makapag-asawa din ng magkakambal na nauunawaan ang ibig sabihin ng ‘twin bond’.

Ipinangako rin ni Josh at Jeremy na di magsasabi ng ‘I Do’ hangga’t di sila magmamahal ng kapwa identical twins.

Hindi rin nahirapan si Brittany at Briana na planuhin ang kanilang twin wedding dahil pareho ang taste nilang magkambal.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *