kapangyarihan
National

Kapangyarihan ng pangulo, mula sa taumbayan – Sec. Roque

Walang-sawang ipangangalandakan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang totoong pinagmulan ng kanyang kapangyarihan ay ang taumbayan.

“President Rodrigo Roa Duterte has many times acknowledged that the true source of power is the people.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesman

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque makaraang mapabilang ang presidente sa World’s Most Powerful People 2018 list ng Forbes Magazine.

Ayon kay Roque, buong katapatan na pinaglilingkuran ng punong-ehekutibo ang mamamayang Pilipino maging ang buong bansa.

Ang kampanya laban sa iligal na droga, pagsusulong ng independent foreign policy, at pagbuo ng pro-poor policies and programs ng administrasyong Duterte ay nagpapakita ng pagmamalasakit ng gobyerno para mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.

Samantala, batay sa inilabas na mga pangalan sa Forbes Magazine, umangat ang pangulo bilang 69th World’s Most Powerful People ngayong taon mula sa dating pang-pitumpu noong 2017.

Nangunguna naman sa listahan ng Forbes Magazine si Chinese President Xi Jinping, pumangalawa si Russian President Vladimir Putin, at pumangatlo si United States President Donald Trump.

 

Ulat ni Cresilyn Catarong

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *