sabwatan
National

Kampo ni VP Robredo at COMELEC, may sabwatan – Bongbong Marcos

Inakusahan ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na may sabwatan sa pagitan ng Commission on Election (COMELEC) at ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

Isyu sa 25 percent shading threshold, tinuldukan

Ito ay matapos tuldukan ng COMELEC ang isyu sa 25 percent shading threshold na ginawang pamantayan sa manual recount.

Ayon kay Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, sinet ang 25% threshold matapos ang eleksyon upang paboran ang argumento ni Robredo.

Agad namang pinabulaanan ito ng kampo ni Robredo.

Ayon kay Robredo, Pebrero 2016 ay naiulat na ang desisyon ng COMELEC na ibaba ang threshold ng vote counting machines.

Ito ay ilang buwan bago mag-eleksyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *