iligal na droga
National

Kampanya kontra iligal na droga, tuloy

Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), unang tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patungkol sa iligal na droga.

Nanindigan ang pangulo na hindi pa rin niya tatapusin ang kampanya laban sa iligal na droga.

Nangako ang pangulo na mas paiigtingin pa niya ang kampanya laban sa droga.

Sinabi ng pangulo na hindi siya matitinag sa mga ikinakasang protesta dahil sa karapatang-pantao.

Iligal na droga, walang lugar sa lipunan

Binigyang-diin ng punong ehekutibo na hindi pa tapos ang kanyang kampanya laban sa droga na isinisisi sa hindi maipaliwanag na pagkamatay ng libu-libong tao.

Binanggit din ng pangulo ang bagong prayoridad ng gobyerno ang isyu sa kapaligiran at ang nararapat na pagbaba sa presyo ng bigas lalo na para sa mga mahihirap na Pilipino.

Naging sentro din ng Ulat sa Bayan ng Pangulo  ang pagsulong ng Pilipinas sa mas matibay na relasyon sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations, at ang pagbuo sa Department of Disaster Management.

Nariyan din ang Endo (End of Contract), Land Use Act, TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law, at iba pa.

Bago ang SONA ay nakipagpulong pa ang pangulo sa mga lider ng kongreso.

Pasado alas-singko na ng hapon ng magsimula ang kanyang talumpati na tumagal ng mahigit sa kalahating oras.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *