transparent
National

Kamara, nanawagan ng transparency sa mga senador

Hinamon ni House Minority Leader Danilo Suarez ang mga senador na maging transparent at ilahad ang kanilang itemization ng mga proyekto na palalagakan nila ng pondo ngayong 2019.

Ayon kay Suarez, karapatan ng mga Pilipino na malaman kung paano gagastusin ang pondo ng senado ngayong taon at anong mga proyekto ang bibigyan nila ng mas malaking pondo.

Sa Kamara ay walang inamyendahan sa ratified budget bill at sa halip ay isa-isang tinukoy kung saan mapupunta ang mga lump sum funds na napagkasunduan sa bicam.

Ganyan ang nais na mangyari ng minority leader sa panig ng senado dahil wala raw malinaw na detalye ang mga senador rito.

Samantala ay binira ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya, Jr. ang aniya’y zero itemization ng senado sa lump sum funds nito gaya ng pondo sa Health Facilities Enhancement Fund of HFEP.

Tikom ang bibig ni Suarez nang hingan ng reaksyon kaugnay sa pananahimik ni Senate Finance Commitee Chairwoman Loren Legarda sa mga batuhan ng isyu ngayon sa pambansang pondo.

Nananawagan si Suarez ng agarang pagkakapasa ng pondo ngayong taon dahil maraming mga proyekto ang gobyerno na nababalam dahil sa budget delay.

Ulat ni MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *