National

Kamara, inumpisahan na ang pagbalangkas sa Articles of Impeachment laban kay CJ Sereno

Nagsimula na ang House Justice Committee na balangkasin ang articles of impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pagkatapos rebyuhin, isusumite ang artikulo sa senado na siyang magsisilbing impeachment court.

Ginawa ang pagbalangkas sa gitna ng paghahanda ng komite para sa gaganaping botohan sa Marso a-siyete kung may probable cause ang kaso ni Sereno.

Magugunita na si Sereno ay sinampahan ng kaso ni Atty. Larry Gadon kabilang ang culpable violation of constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.

Naniniwala si Committee chairman Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na lahat ng mga alegasyon ay may sufficient evidence para maipasama sa articles of impeachment.

Samantala, naghahanda na ang justice panel ng apatnapung mambabatas na posibleng miyembro na bubuo sa panel of prosecutors para sa senate impeachment trial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *