Kalidad
Metro

Kalidad ng tubig sa Manila Bay, bumubuti na

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sa pinakahuling laboratory analysis nitong huling linggo ng Pebrero, ang dating 54 million Most Probable Number o MPN na fecal coliform level sa area ng Padre Faura ay bumaba na sa 8.3 million MPN.

Bumaba rin sa 130 million MPN ang fecal coliform level sa area ng Antonio de Abad mula sa dating 1.33 billion MPN.

Habang ang tubig sa Remedios area ay bumaba na sa 25.5 million MPN mula sa dating 160 million MPN.

Ayon kay Cimatu nakatulong ng malaki ang pagpapasara sa ilang mga establisyimento malapit sa Manila Bay at ang Manila Zoo na walang sariling sewage treatment plants at tinatapon ang kanilang dumi direkta sa bay.

Pero nilinaw ng DENR na hindi pa rin ito pasok sa standard na 100 MPN para sa recreational activities gaya ng swimming at diving.

Tiwala ang kagawaran na patuloy pang bababa ang coliform level sa Manila Bay.

Dagdag pa ng kalihim, magbibigay ang isang pribadong sektor ng mga sewage treatment plant para sa nasa 75 na pamilya sa Brgy. 719 sa lungsod ng Pasay na walang maayos na palikuran.

Ulat ni Jun Samson

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *