National

Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumuti matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon

MALAKI daw ang pagbuti ng kalidad ng hangin sa Metro Manila matapos ang
pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa DENR, nakitaan ng “good air quality” ang mga lugar ng North Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Paranaque, Pasig at San Juan.
Moderate to fair naman ang hangin sa Malabon, Marikina at Pasay.
Itinuring naman na hindi maganda ang epekto ng hangin sa Navotas sa mga may-sakit at mga sensitibong tao.
Ginawa ang monitoring ilang araw matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon, upang makita ang pagkakaiba nito sa mga nakaraang panahon.
Umaasa ang DENR na tuluyan nang mawawala ang problema sa paputok kasunod ng kautusan nang nagbabawal sa paggamit ng lahat ng uri ng firecrackers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *