kalayaan
National

Kalayaan ng mga Pinoy, nanganganib – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na nanganganib ang kalayaan ng mga Pinoy sa kasalukuyan.

Ginawa ng bise presidente ang pahayag sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila.

Ayon kay Robredo, sana ay magkaroon ng panibagong lakas ang bawat mamamayan para isabuhay ang diwa nang ipinaglaban ng mga bayani ng bansa.

Nababahala din ang bise presidente sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mahihirap, pagsipa ng presyo ng mga bilihin at mabagal na pagkamit sa hustisya.

Kalayaan mula sa mga dayuhan

Binigyang-diin din ni Robredo ang pagwawalang-bahala sa karapatang pantao maging ang kapangyarihan ng mga dayuhan na umangkin ng teritoryo ng Pilipinas.

Binatikos din ni Robredo ang tila pagkunsinti ng Administrasyong Duterte sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni Robredo ang kapabayaan ng pamahalaan sa ginagawang militarisasyon ng China ay katumabas ng pagkabigo ng bawat Pilipino na umaasa sa gobyerno.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *