Filipino
National

Kalagayan ng mga Filipino sa Denmark, inaalam pa ng DFA

INAALAM pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nasawi o nasaktan na mga Filipino sa train accident sa Denmark.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na si Philippine Honorary Consul General Poul Krogh sa Danish authorities.

Para malaman ang kalagayan ng labindalawang libong miyembro ng Filipino community sa Denmark.

Sa ulat, anim ang patay habang labing anim ang sugatan sa rail accident sa Great Belt Bridge.

Ang naturang tulay ay nagdudugtong sa isla ng Zealand at Funen sa Denmark.

Sinabi ng DFA na sangkot sa aksidente ang commuter train at freight train.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *