June Mar Fajardo
Sports

June Mar Fajardo, nagtala ng bagong kasaysayan sa PBA

NAGTALA ng bagong kasaysayan sa PBA si June Mar Fajardo matapos masungkit ang ikalimang magkakasunod na Most Valuable Player award.

Iginawad kay Fajardo ang parangal kasabay ng pagbubukas ng 44th Season ng PBA.

Dahil dito, nahigitan pa ni Fajardo ang tagumpay na naabot nina Alvin Patrimonio at Mon Fernandez.

Nahigitan ng San Miguel Beermen star na nakakuha ng 2,436 PBA votes si Stanley Pringle ng Northport na Mayroon 2,041 votes.

Kasama din si Fajardo sa all-defensive team na kinabibilangan nina Rafi Reais, Rome Dela Rosa ng Magnolia at Chris Ross ng Beermen.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *