panibagong record sa kasaysayan
Sports

June Mar Fajardo, gumawa ng panibagong record sa kasaysayan ng PBA

GUMAWA ng panibagong record sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang sentro ng San Miguel Beermen na si June Mar Fajardo sa katatapos lamang na 2019 PBA Philippine Cup Finals.

Nilampasan ni Fajardo ang tinguriang Most Rebounds Local Player na si Jinkee Simbulan noong 1975 matapos itong makakuha ng kabuuang 31 rebounds sa Game 7 ng kanilang laro kontra Magnolia Hotshots.

Kasabay naman ng ika-limang sunod na kampeonato ng Beermen ay nasungkit rin ni Fajardo ang kanyang ika-limang Final’s Most Valuable Player title.

Naging daan sa pagkakapanalo ng Beermen ang tira ni Alex Cabagnot sa huling segundo ng kanilang laban na nagbigay ng isang puntos na kalamangan ng Beermen sa iskor na 72-71.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *