bansa
National

July inflation rate sa bansa, umabot sa 5.7 percent

Bumilis ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Hulyo.

Base sa tala ng Philippine Statistics Authority, umabot sa pinakamataas na antas ng inflation rate sa bansa nitong Hulyo na may average na 5.7 percent.

Mas mataas ito ng .5 precent noong buwan ng Hunyo at pinakamataas naman sa loob ng nakalipas na limang taon.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain at mga non-alcoholic beverages.

Una ng sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng sumipa sa 5.1 hanggang 5.8 percent ang inflation sa bansa ng buwan ng Hulyo.

Malalang inflation rate, asahan sa substitute bill ng TRAIN 2

Asahan ang patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa matapos pumasa sa komite sa Kamara ang substitute bill ng ikalawang tranch ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, lalala pa ang inflation rate dahil ipapasa ng mga kumpanya at negosyante sa consumers ang epekto ng kanselasyon ng tax incentives na nakapaloob sa panukala.

Ani Zarate, insensitive ang pag-kakapasa nito sa committee level lalo na’t pumalo na sa 5.7% ang inflation rate nitong buwan ng Hulyo.

Ang second package ng TRAIN na naipasa sa Kamara ay tinawag na Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities (TRABAHO) o ang substitute bill ng mga panukala na tatama sa bussiness sector.

Subalit ayon kay Zarate, hindi mapagtatakpan ang masamang epekto ng panukala kahit anong re-branding pa ang gawin dito ng administrasyon.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *