Jose Maria College
Kingdom News

Jose Maria College- College of Law’s students, pasok sa quarterfinals ng 1st International Environmental Law Moot Court Competition

AABANTE sa quarterfinals ng 1st International Environmental Law Moot Court Competition ang dalawang team ng Jose Maria College-College of Law’s Moot Court Society.

Ito ay matapos na magtagisan ng galing ang mga kalahok na mula sa siyam na law schools sa buong bansa.

Kaugnay ito sa pakikipag-argumento sa usapin ng karapatan ng indigenous peoples at environmental protection.

Alinsunod ang naturang karapatan sa 1992 United Nations Conference on Environment and Development.

Kabilang sa mga JMC College of Law students na lumahok sina Kaye Laurente, Honeelee Arevalo, Lovella Fe Tacder para sa unang team.

At Kelvinn Banuelos, Al Ammen Silo, Hasny Tayuan para sa ikalawang team.

Labis naman ang pasasalamat ng JMC Law Moot Court Team na sina Kaye Laurente, Honeelee Arevalo, Lovella Fe Tacder, Kelvinn Banuelos, Al Ammen Silo, at Hasny Tayuan sa JMC College of Law Family.

Lalong lalo na sa founding president nito na si Dr. Fellow, Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, dahil sa walang humpay na suportang ipinagkaloob sa kanila.

Kabilang din sa mga pinasalamatan ng mga ito sina JMC- College of Law Dean Israelito Torreon, Atty. Bruneson Alabastro, at Atty. Resci Rizada na nagtraining at nag-guide sa kanila sa naturang kompetisyon.

Isinasagawa naman ang naturang kompetisyon sa Cebu City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *