Jordan Clarkson
Sports

Jordan Clarkson, kakatawan sa Pilipinas sa 2018 Asian Games

Kabilang ang Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson sa kakatawan sa Pilipinas sa darating na 2018 Asian Games sa Agosto.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas, kasama sa 18-man lineup ng men’s basketball ang pangalan ng Cleveland Cavaliers guard.

Posible ring si Clarkson ang gawing flag-bearer ng Pinoy delegation sa opening ceremony ng Asian.

Sinabi ni Vargas na kasalukuyan pang nakikipag-usap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamunuan ng Cavs para kay Clarkson.

Nabatid na Philippine passport holder na si Clarkson simula noong ito’y dose anyos pa lamang.

Samantala, kasama rin sa binagong roster ang core ng Rain or Shine Elasto Painters at dalawang matatangkad na players.

Nakatakda nang isumite ng POC ang listahan ng mga manlalaro sa Indonesia.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *