National

Joma Sison, may buwelta kay Digong

Bumuwelta si National Democratic Front Chief Political Consultant Jose Maria Sison laban sa mga patutsada sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa lider ng mga Komunista, umaasa pa siyang muling mabubuhay ang peacetalks sa pagitan nila at ng gobyerno.
Pero depende aniya ito kung makakakuha si Duterte ng mahusay na doktor para maayos pa aniya ang pag-iisip ng pangulo.
Pinuna rin ni Sison ang istilo na pamumuno ni Duterte.
Aniya, hindi uubra ang istilo ni Duterte sa Davao ngayong buong mundo na ang nakatingin sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *