National

Joint oil exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, under negotiation pa

Nilinaw  ni Foreign Affairs Sec. Allan Peter cayetano na wala na syang maibibigay na detalye kaugnay  sa joint oil  exploration  ng China at Pilipinas  sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y kasunod sa nabanggit  ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa media matapos ang talumpati nya sa SONA kung saan magsisimula na aniya  na mag  sasama- sama ang dalawang bansa sa pakikipagsapalaran kaugnay sa langis  sa  pinagtatalunang  teritoryo sa karagatan.
Sa pulong balitaan sinabi ni Cayetano na hindi nya pa  masabi ang detalye ng naturang kasunduan  dahil nasa ilalim pa ito ng negosasyon.
Dagdag pa ni Cayetano marami pa dapat pagusapan tungkol dito para sa ikakabenepisyo ng bawat mamayang Pilipino.
Hindi kagaya kasi ng malampapaya kung saan naayon ito sa Saligang Batas na inaprubahan ng Korte Suprema.
Matatandaang nabanggit din sa pahayag ni Cayetano sa bilateral  meeting  kasama ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na naging halimbawa ang malampaya kung saan pinayagan ito ng Constitusyon ng Pilipinas para sa exploration at development ng likas na yaman sa kabila ng pakikipag partner ng iba pang mga foreign corporation sa bansa.
Naikuwento din ni Cayetano na taong 1986  unang ng nakipagpagpulong ang yumaong  Pangulo   Cory Aquino  at dating  chairman na si  Deng Xiaoping sa China para pagusapan ang pinagaagawan teritoryo sa West Philippine Sea.
Ang usapan ay may kinalaman sa  teritorry integrity at  nauwi sa exploration at joint development  pero hndi pa rin natapos ang usapan sanhi ng  pagbabago  ng konstistusyon  at palipat lipat  na rin ng administrasyon ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *