I-ACT
Metro

Joint campaign kontra kolorum, muling ipinatupad

PUMUWESTO ang isang grupo ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway Northbound.

Para harangin ang mga hinihinalang mga kolorum na sasakyan na papasok ng Metro Manila.

Dahil dito, umabot sa mahigit sa labindalawang mga sasakyan ang nahuli sa gitna ng nasabing operasyon.

Ayon sa mga otoridad, ang mga colorum na mga PUV ang isa sa mga dahilan ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon na rin ito sa Metro Manila Development Authority o MMDA.

At sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng I-ACT sa huli ay sunud-sunod na nahuhuli ng mga otoridad ang mga colorum na sasakyan

Ang mga ito ay patuloy na nagmamatigas sa kautusan ng ahensya.

Isa-isang naman ini-inspeksiyon sa ilalim ng joint campaign ng I-ACT at MMDA ang mga dokumento ng mga nahaharang na sasakyan.

Para siguruhing ligal ang mga ito na bumiyahe sa Metro Manila.

Kasama din sa kanilang inspeksiyon kung hanggang saan lang ang kanilang biyahe o ruta.

At sa gitna ng nasabing operasyon tumambad sa mga otoridad ang ibat-ibang alibi ng mga nahuhuling drayber.

Samantala, kasabay naman ng operasyon ng I-ACT ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong apektado ng nasabing operasyon.

Maliban sa operasyon sa Manila-Cavite Expressway, isang team din ang tumutok sa kahabaan naman ng Bicutan E-Service Road.

Kung saan ibat-ibang paglabag naman ang tumambad sa mga otoridad.

Kagaya ng sobrang paggamit ng led lights mula sa itinakdang bilang nito at hindi pagsusuot ng helmet ng mga motorcycle riders.

Nangako ang pamunuan ng I-ACT na magtutuloy-tuloy ang kanilang kampanya hanggang sa tuluyang masawata ang problema ng kolorum.

Ang mga sasakyang kolorum ay kadalasang nagdudulot ng matinding trapiko sa Kalakhang Maynila o di kaya ay disgrasya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *