Sports

Jersey Ni ‘King James’ Pinakamabenta Sa Pilipinas

 


Pinatunayan ni Cleveland Superstar Lebron James na siya pa rin ang ‘hari’ sa National Basketball Association (NBA) Filipino fans.
Ito ay matapos na manguna ang jersey ni James bilang best-selling jersey sa Pilipinas.
Pumangalawa naman ang jersey ni two-time MVP Stephen Curry ng Golden State Warriors (GSW).
Nanguna naman ang Warriors sa listahan ng ‘most popular team merchandise’ na sinundan ng Cavaliers sa ikalawang puwesto samantalang pumangatlo naman ang Los Angeles Lakers.
Nakabatay ang nasabing ranking sa in-stores sales ng apat na NBA stores sa bansa mula sa pagsisimula ng 2016-17 NBA season.
Kay Curry naman ang pinaka-popular na jersey sa buong mundo, na sinundan nina James at Kevin Durant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *