ENGAGED na
Showbiz

Jennifer Lawrence, engaged na sa boyfriend nitong art gallerist

ENGAGED na ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence sa kanyang boyfriend –ang art gallerist na si Cooke Maroney.

Tinanggap ng actress ang proposal ni Cooke ayon sa kumpirmasyon ng representante nito.

Gumawa rin ng headlines si Jennifer nang humakot ng atensyon ang isang ‘massive ring’ na suot-suot ng aktres sa isang date night.

Una nang na-linked ang dalawa noong June 2018 at unang nagkakilala dahil sa kaibigan ng actress na si Laura Simpson.

Simula noon ay palagi na silang nakikitang magkasama kabilang dito ang bakasyon nila sa Europe at sa New York City.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *