Regional

Jeepney modernization, ipatutupad na sa Baguio City

PINULONG ng Department of Transportation ang mga operators ng mga pampublikong sasakyan sa Baguio City upang ilatag ang pagpapatupad ng Jeepney Modernization Program.
Sa kanilang pagpupulong ay siniguro ni DOTr Regional Director Atty. Joel Eduardo Natividad sa mga jeepney at taxi operators na wala silang dapat ikababahala sa modernisasyon na kapag-maituturing pa rin na road worthy ang kanilang mga sasakyan.
Nilinaw din ni Natividad na hindi pangunahing layunin ng Jeepney Modernizarion na mabawasan ang bilang ng sasakyan sa daan kung di masigurong ligtas ang pasahero sa kanilang byahe.
Sa kabila nito ay umani naman ng iba’t ibang reakyon sa pagpapatupad ng Jeepney Modernization mula sa transport groups.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *